Wednesday, November 17, 2010

Buhay. Takot rin.

kung maaari lamang na bigla nalang akong maglaho at hindi na muli makita ang mga bagay ng mundo, gugustuhin ko iyon sa mga panahon ngayon. kung maaaring maging isang tao ako na hindi talaga ang totoong tao. kung maaari na ako ay maging isang taong nagiging ibang tao hindi lang sa ibabaw ng isang stage kundi sa mundong ito mismo kukunin ko yun. kung maaari na hindi ako maging ako, lalayo ako at kukunin ang katauhan ng isang nilalang na hindi pa nabubuhay para lamang maging masaya. tatalikuran ko ang lahat, kahit na masasaktan ako dahil ayoko na. masama ako alam ko yun kaya nga ayaw ko ng mabuhay sa ganitong buhay. lilipad nalang siguro ako sa kalawakan at hahanap ng maaaring pwedeng gawin o kaya naman simulan ang isang istorya na talaga namang lalampasuhin lang ng lahat. nakakatawa pero hindi na ako tumatawa. luluha nalang ako ng luluha. hanggang sa mawala na ang tubig sa mga mata at papalitan nalang ito ng dugo at para maramdaman ko pa ang mas marami at mas malalang pagkasakit na nararapat sakin.

No comments:

Post a Comment