Titignan ko ba ng masinsinan ang isang bagay kung alam kong hindi naman na ito babalik sa akin? Ano nga ba ang saysay ng paglakad sa isang daang marupok kung sa huli ay sisipain ka lamang pabalik ng mga punong pinagbuhusan mo ng buong puso upang itanim? Naiisip ko tuloy, mas tama sigurong wag ng magtanim, para walang aanihin at wala rin namang mararamdaman na kasiyahan o pagkdismaya.
Kung ang aking mga kaibigan ay hindi ko pinapakelaman kung ako ay sumusulong sa iisang problemang pinoproblema ko matagal na, ano pa kaya sa isang tulad mo na walang hinatid sa akin kungdi pagdurusa at pagkalito? Huwag mong isipin na lahat ng pangyayari ay naka-ugnay sa iyo dahil ito ay nauugnay rin sa akin. Wala akong masasabi dahil babalik na lamang tayo sa puno't dulo ng pag-aaway. Hindi na ako bata, hindi ka rin siguro bata, pero parehas tayong nag-uunahang maging matanda para masabing "Ako ang tama dahil TAMA ang aking ginagawa."
Sunday, October 17, 2010
Saturday, October 16, 2010
Ang Pagdadalamhati ay Pag-iisa
Kulang man ang sinasalin sa musikang naririnig
Iisa naman ang paguugnayan ng mga notang naglaalro
Sa gitna at gilid ng pahalang na guhit sa parisukat
Dudulas at aangat
Hihikbi paminsan minsan
Ngunit sa pagtapak ng liriko sa mumunting grupo
Matarik na pagtatalik sa mundong ito at iba ang magtatagpo
At sa iisang pagsakop sa lihim
Na binabalot ng iilang lirikong
Nagbubuhat sa buhay na walang hangganan
Iisa naman ang paguugnayan ng mga notang naglaalro
Sa gitna at gilid ng pahalang na guhit sa parisukat
Dudulas at aangat
Hihikbi paminsan minsan
Ngunit sa pagtapak ng liriko sa mumunting grupo
Matarik na pagtatalik sa mundong ito at iba ang magtatagpo
At sa iisang pagsakop sa lihim
Na binabalot ng iilang lirikong
Nagbubuhat sa buhay na walang hangganan
Subscribe to:
Comments (Atom)