Darating rin ang panahon na mag-iisa tayong lahat. Ngunit kung darating man ang araw na yun, ako lang ang sasaya mula sa inyong lahat na nagdurusa dahil ako lang ang mabubuhay mag-isa. Ang pagdadalamhati na aking natamo at natatamo ay magiging parte ng aking pagkatao at magsisilbing gasolina na magpapatakbo sa aking katawan. Wala kayong magagawa at ako lamang ay tatawan kayo habang unti unting nililipad ng unos ang inyong mga pagkatao at pangarap.
Minsan niyo na akong nilapastangan. Ang inyong mga kalokohang umaabot sa aking pagtatakang tapusin ang aking buhay. Napagtanto kong mas mahalaga naman talaga ang buhay ko kaysa sa inyo mga walang kwentang nilalang na walang ginawa kundi ang magwalang pakelam sa mga bagay dahil sa pagkakaroon ng mga taong susuporta sa kanila. Magpasalamat kayo ngayon na may ganyan pa kayong pribilehiyo dahil hindi na rin yan magtatagal. Wala mang akong nagagawang mabuti ngayon iyon ay dahil ginawa niyo rin akong ganito. Masarap rin na hindi ako nagtiwala sa mga katulad ninyong marunong lamang tumungo kung tatanungin at hindi marunong magsalita kahit na nakikitang nahihirapan na ang lahat. Parehas lang tayong duwag, pero mas nakakahiya kayong mga walang ginagawa at nagpapasarap lamang sa buhay na nakalatag sa inyo. Wala kayong awa, basta masunod at magawa ninyo ang inyong mga gustong gawin. Magaling, mataas ang pupuntahan ninyo, at malalim rin ang magiging pagbagsak ninyo. Bawat buto, dugo, at laman sa inyong katawan ay madudurog na halos tinapakan ng tadhana ko. Pupulbusin ko rin kayo, yuyurakan ang bawat pagkatao ninyo at saka ko lamang masasabi na tapos na ang inyong pagkakasala.
At para sayo naman na akala mo'y tapos na ang lahat, ito ang lagi mong tandaan, hindi ka makakalayo sa galit at pagkasuklam ko sayo. Pinaasang hihintayin ngunit wala naman palang ginawa kundi haranahin ng paglalandi ang iba. Hindi ka rin liligaya, wala sa atin ang liligaya dahil parehas lang tayong tanga na nangaangkin at nang-iiwan rin sa huli.
Maghihiganti rin ako. Humanda rin kayo sakin.
Saturday, November 27, 2010
Wednesday, November 17, 2010
Buhay. Takot rin.
kung maaari lamang na bigla nalang akong maglaho at hindi na muli makita ang mga bagay ng mundo, gugustuhin ko iyon sa mga panahon ngayon. kung maaaring maging isang tao ako na hindi talaga ang totoong tao. kung maaari na ako ay maging isang taong nagiging ibang tao hindi lang sa ibabaw ng isang stage kundi sa mundong ito mismo kukunin ko yun. kung maaari na hindi ako maging ako, lalayo ako at kukunin ang katauhan ng isang nilalang na hindi pa nabubuhay para lamang maging masaya. tatalikuran ko ang lahat, kahit na masasaktan ako dahil ayoko na. masama ako alam ko yun kaya nga ayaw ko ng mabuhay sa ganitong buhay. lilipad nalang siguro ako sa kalawakan at hahanap ng maaaring pwedeng gawin o kaya naman simulan ang isang istorya na talaga namang lalampasuhin lang ng lahat. nakakatawa pero hindi na ako tumatawa. luluha nalang ako ng luluha. hanggang sa mawala na ang tubig sa mga mata at papalitan nalang ito ng dugo at para maramdaman ko pa ang mas marami at mas malalang pagkasakit na nararapat sakin.
Subscribe to:
Comments (Atom)